Manila, Philippines – Na-inquest na ng apat na suspek sa pagpatay kay Barangay Bagong Silangan Chairman Criselle Beltran at sa driver nitong si Melchor Salita.
Kinilala ng mga suspek na namaril kina Beltran na sina Teofilo Formanes at ang magkakapatid na sina Ruel, Orlando at Joppy Juab.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar, nahaharap ang apat sa kasong double murder at frustrated murder dahil sa pananambang sa mga biktima noong Enero 30.
Aniya, patuloy na pinaghahanap ang dalawa pang nakatakas na suspek na kasama rin sa mga kinasuhan.
Sabi ni Eleazar, ang isa sa mga nakatakas na suspek na si Warren Juab ang nakakakilala sa mastermind sa pagpatay kay Beltran at sa motibo nito.
Nauna nang sinabi ng mga pulis na kabilang sa mga sinisilip na motibo sa pagpatay sa kapitan ay ang politika, love triangle at negosyo.
Bukod sa pagiging opisyal ng barangay, kakandidato rin sana si Beltran sa pagkakongresista sa ikalawang distrito ng Quezon City.