Kinilala na ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga suspek sa pagpatay sa hepe ng National Center for Mental Health (NCMH) na si Dr. Roland Cortes at ng kanyang driver na si Ernesto Dela Cruz.
Sa pulong balitaan sa QCPD Police station -10, sinabi ni Criminal Investigation and Detection Chief Major Elmer Monsalve, walo ang suspek sa krimen.
Kasunod naman ito ng pagkakaaresto sa isang Roman Eugenio na nasa kustodiya ng QCPD
Tatlo sa mga ito ay empleyado mismo ng NCMH.
Kinilala ang tatlong NCMH emloyees na sina Clarita Avila Mendoza chief ng administrative support service, Harley Pagadian at Sonny Mitra Sandicho.
Si Sandicho umano ang nagsilbing driver ng getaway vehicle nang mangyari ang pagpaslang.
Sinabi ni Monsalve na job related ang motibo sa krimen dahil sinasabing si Mendoza ay sangkot sa katiwalian na may kaugnayan sa pagpapatakbo ng food catering at sa clothing and medication procurement sa NCMH.
12 counts ng murder ang inihahandang kaso ng QCPD laban sa mga suspek.
Sa ngayon, pinaghahanap pa ang iba sa mga suspek.