Mga suspek sa pagsabog sa Cotabato City, sinampahan na ng kaso

Cotabato – Sinampahan na kaso ng Special Investigation Task Group South Seas ang mga suspek sa pagsabog sa Cotabato City kamakailan.

Ayon kay Police Regional Office 12 Spokesperson Chief Inspector Aldrin Gonzales, kasong two counts of Murder at 34 counts ng Frustrated Murder ang isinampa sa mga suspek na sina Salipudin Lauban Pasandalan na naaresto sa kamakailan, at alyas Saed Nur Kasim na ngayon ay patuloy na pinaghahanap.

Aniya, isinampa ang kaso kahapon sa Cotabato City Prosecutors Office.


Sa ngayon, aniya bukod sa mas mahigpit na mga inilatag na seguridad patuloy ang kanilang panawagan sa publiko lalo na sa mga taga Cotabato na makipag tulungan sa mga awtoridad para hindi maulit pa ang pagpapasabog.

Matatandaang sa pagsabog na naganap sa harap ng seasmall sa Cotabato City noong December 31, 2018 dalawa ang nasawi habang mahigit 30 ang sugatan.

Facebook Comments