Nasakote sa ikinasang follow-up operation ng pulisya ang tatlong suspek na responsable sa pamamaril sa isang Chinese national sa Parañaque City.
Nakilala ang mga suspek sa alyas na Sui at Shi na pawang mga Chinese national din kasama ang isang Cameroon national na kinilala sa alyas na Edwin.
Sa imbestigasyon, binaril ng mga suspek ang biktimang si alyas Li, residential complex in Barangay Don Galo, Parañaque City.
Agad na ikinasa ang operasyon at ng masakote ang mga suspek ay nakumpiska sa kanila ang isang 9mm na baril na kargado ng sampung bala at mga patalim.
Bukod dito, nakuhanan pa ang tatlo ng 15 sachet ng shabu na nasa 200 gramo ang bigat at nagkakahalaga ng P1.2 milyon.
Facebook Comments