Mga suspek sa pamumugot sa 2 magsasaka sa Maguindanao, sumuko sa mga otoridad!

Hawak na ngayon ng PNP ang 3 suspek sa pamumugot sa dalawang magsasaka mula sa bayan ng Parang Maguindanao.
Alas 7:30 kagabi ng sumuko ang mga suspek sa pamunuan ng Barira-PNP na agad namang nai-turn over sa kapulisan ng Parang MPS.
Sinabi ni Parang Chief of Police, Supt. IbrAHIM jAMBIRAN na ang pagsuko ng mga ito ay dahil sa pinagsamang efforts ng Iranon Inter agency task force na kinbabibilangan ng mga bayan ng Parang, BarirA, Matanog at Buldon katuwang ang PNP at 37th IB ng Philippine Army.
Kinilala ni Jambiran ang mga suspect na sina Malik KumaYOG, 23 anyos, Unasan Mawalao, 24 NYOS AT KAMLO HADJIGANI, 26 ANYOS NA PAWANG MGA RESIDENTE SA BAYAN NG bRGY. PANGAO,BARIRA MAGUINDANAO.
Sa interogasyon ng kapulisan ay inamin ng mga suspetsado ang pamamaslang. Ayon sa mga ito, nagawa nila ang krimen dahil sa kalasingan. Sinabi pa nila na una umano silang kinorsunada ng mga biktima na kanilang binalikan at pinaslang.
Inihahanda na ng PNP ang kasong pagpatay laban sa mga ito.
Matatandaang noong April 27, 2018 ay natagpuan na lamang na patay na at walang ulo ang mga biktimang sina Ceasar Deamada Fermin, 42, at Jabon Bistas 21 anyos.

Facebook Comments