MGA SUSPEK SA SA ILLEGAL POSSESION OF FIRE ARM AT ESTAFA, ARESTADO!

113

*Cauayan City* – Bumagsak sa kamay ng otoridad sina Clyde Dumlao 45 taong gulang dahil kasong Illegal Possession of Firearm at TEODORO DELA CRUZ JR na suspek naman sa kasong estafa.


Dakong 10:50 kaninang umaga nang arestuhin ng tauhan ng PNP San Mateo, Isabela si Dela Cruz, 57 taong gulang sa kanyang tahanan sa Brgy. 2, San Mateo, Isabela. Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Eric D Banasan, presiding Judge San Mateo Municipal Trial Court.

Samantala dinakip naman ng kasapi ng PNP Mallig isabela kaninang alas dos ng hapon, September 25, 2019 si Dumalao, residente ng Brgy. Siempre Viva Norte, Mallig, Isabela sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Judge Ariel M. Palce acting presiding Judge of RTC, Branch 23, Roxas, Isabela. Nahaharap ang 45 taong gulang na si Dumlao ng kasong Illegal Possession of Firearm and Ammunition.

Kinakailangan ni TEODORO DELA CRUZ na magpiyansa ng 18 libong piso para sa pansamantala nitong kalayaan samanatalang 120 libong piso naman ang inirekomendang piyansa ni Clyde Dumlao.

Ang dalawa ay pansamantalang nakapiit sa himpilan ng pulisya sa kani kanilang bayan para sa dokumentasyon bago sila ipasakamay sa point of origin.

Facebook Comments