Mga suspeks sa pambobomba sa Cotabato City, tukoy na!

28

Inilabas na ng mga otoridad ang larawan ng dalawang suspects na di umanoy sangkot sa madugong insidente noong Decemebr 31, 2018 sa SouthSeas Mall sa Cotabato City .

Sa report mula PNP sinasabing ang dalawa ang responsable sa pag- iwan ng bag na naglalaman ng IED sa loob mismo ng Mall.

Patuloy naman ang paghimok ng mga otoridad kabilang na ang City LGU sa publiko sa maaring makapagtuturo sa mga kinaroroonan ng mga suspeks kapalit ang reward na nagkakahalaga ng P 500,000.

Matatandaang dalawa ang nasawi habang higit 20 ang naging wounded mag aalas dos ng bisperas ng bagong taon sa nasabing pagsabog.

Patuloy namang nakaalerto ang mga otoridad sa lahat ng sulok ng Cotabato City.
PNP Pic

Facebook Comments