Mga susunod na ipatutupad na lockdown, posibleng barangay level na lamang ayon kay Sec. Galvez

Maaaring magpatupad na lamang ang pamahalaan ng lockdown sa barangay level sa halip na ilagay ang buong rehiyon sa community quarantine.

Sa televised address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang, sinabi ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., ang ipapatupad na lockdown ay nakadepende sa bilang ng coronavirus cases sa lugar.

Mahalagang maprotektahan ang ekonomiya habang patuloy na tinutugunan ng gobyerno ang pandemya.


Sinabi ni Galvez, na ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ay magbibigay ng gabay sa mga Local Government Units (LGUs) sa pagdedeklara ng barangay-level lockdown.

Nais na nilang i-localized ang National Action Plan sa pagreponde sa coronavirus sa pamamagitan ng mga LGU.

Samantala, mag-iikot si Galvez kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mall para matiyak na sumusunod ang mga ito sa quarantine protocols ng pamahalaan.

Facebook Comments