Mga susuportahan ni Mocha Uson, ilalagay niya sa social media

Manila, Philippines – Ibinunyag ni dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson na malalaman ng publiko kung sinu-sino ang kanyang susuportahan na kandidato sa darating na halalan.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay antabayanan ng publiko kung sino ang mga karapat-dapat na manungkulan sa gobyerno dahil ilalagay nito sa kanyang social media ang mga kakandidato.

Paliwanag ni Uson ang sentimento umano ng mga nitizens ayaw na umano nila ng mga senador gaya nina Senator Grace Poe, dahil ito umano ay trapo, Senator Bam Aquino dahil sa ito umano ay maepal at Senator Nancy Binay dahil katulad din ng kanyang ama na dating nanilbihan din sa gobyerno.


Giit ni Uson dapat maging mapanuri ang publiko kung sino ang karapat dapat na kanilang iboto na tunay na maglilingkod sa Sambayanang Pilipino upang sa bandang huli ay hindi nila pagsisihan.

Facebook Comments