Mga taga-Caloocan, natanggap ng pamasko mula kay Senator Pacquiao at sa lokal na pamahalaan

Taos-puso ang pasasalamat ni Mayor Oca Malapitan kay pambansang kamao Senator Manny Pacquiao.

Ito ay kasunod ng tulong at maagang pamasko na ibinigay ni Pacquiao para sa mga residenteng labis na naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Ayon sa Mayor Oca, nasa 1,000 mga residente ang naging benepisyaryo ng programa na ginanap sa Glorietta Park, Tala kahapon.


Samantala, sinimulan na rin ng pamahalaang lungsod ng Caloocan, ang pamimigay ng apat na kilong bigas para sa bawat pamilya sa lungsod.

Tinatayang aabot sa humigi’t kumulang 500,000 na pamilya ang tatanggap ng ayuda bago ang kapaskuhan.

Ayon kay Malapitan, layunin nito na maiparamdam sa lahat ng pamilya sa Caloocan na kasama nila ang kanilang gobyerno ngayong Pasko.

Facebook Comments