Mga taga-gobyerno pina-e-exempt sa Bank Secrecy Law

Manila, Philippines – Hiniling ni Magdalo Rep. Gary Alejano na i-exempt na ang mga taga-gobyerno sa bank secrecy law.

Ito ay para madaling masilip ang mga bank deposits ng mga taga-pamahalaan kung may isyu ng katiwalian laban sa mga ito.

Sa ganitong paraan ay hindi basta makakapagtago ng deposito sa bangko ang mga nasa gobyerno at pwedeng silipin ito pag hiningi sa korte.


Sa ilalim ng House Bill 3155 ni Alejano, kasama ang mga halal at itinalagang opisyal ng gobyerno sa maaalis sa sakop ng Bank Secrecy Law.

Gayundin ang mga sundalo, pulis, at mga opisyal at kawani ng lahat ng Government Owned and Controlled Corporations o GOCCs.

Facebook Comments