Mga taga Iba’t-ibang Sektor, Hinimok ng PNP Cagayan na Makiisa sa Pagsugpo sa Terorismo

Cauayan City, Isabela- Hinihikayat ng PNP Cagayan ang mga nasa iba’t-ibang sektor ng lipunan na makipagtulungan sa mga kapulisan sa pagsugpo sa terorismo sa bansa.

Ito ang naging hiling ni PColonel Ariel Quilang, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) sa pangunguna nito sa isinagawang candle lighting sa paggunita sa ika-157 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

Sinabi nito na ang tanging layunin ng mga rebelde ay hindi itaguyod ang karapatang pantao kundi ang pumatay ng tao at isabotahe ang gobyerno.


Kinondena rin ni PCol Quilang ang hindi makataong gawain ng New People’s Army gaya ng extortion o pangingikil at pag-ambush sa mga opisyal ng pulisya at militar na nagsasagawa ng mga relief operation sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa panahon ng pandemya at kalamidad.

Maging ang mga organisasyon na kumukonsinte sa hindi makataong kilos ng CPP-NPA-NDF ay kinokondena rin ng opisyal dahil na rin sa paglabag sa international humanitarian law.

Sa kanyang naging mensahe, ang pagsisikap ng mga alagad ng batas sa pagkamit sa layunin ng Ntaional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay 16 porsyento lamang sa kabuuang pagsisikap na dapat isagawa upang ma-neutralize ang mga teroristang grupo.

Sinabi din nito na dapat palakasin pa ng kapulisan ng Cagayan ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo upang higit na matugunan ang ilan sa mga pangunahing sanhi ng insurhensya, alinman sa mga isyu sa politika, pang-ekonomiya o panlipunan.

Facebook Comments