Mga taga-Marawi, nanatiling positibo ang pananaw na makakabangon muli sila sa oras na matapos ang kaguluhan doon

Marawi City – Nananatiling positibo ang pananaw ng mga taga-Marawi City na makakabangon ulit sila sa oras na matapos ang kaguluhan doon.

Sabi ni Lanao Del Sur 1st District Assemblyman Zia Alonto Adiong, likas na negosyante ang mga taga-Maranao kaya alam niyang makakabangon kaagad sila.

Naniniwala rin aniya siya na ang pangyayari ngayon sa Marawi ay pansamantala lamang at malalampasan din nila ito kung magkakaisa ang lahat.


Dagdag pa ni Adiong, ito ang unang pagkakataon na hindi nila nagunita ng maayos at mapayapa ang buwan ng Ramadan.

Facebook Comments