Mali ang natanggap na emergency warning messages ng mga taga Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Simula kaninang umaga nakalagay sa warning signal number 2 na sa Metro Manila.
Taliwas ito sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA na signal number one lamang ang Metro Manila.
Ayon kay Mark Timbal ang spokesperson ng NDRRMC nakarating rin sa kanilang tanggapan ang maling mensahe.
Nakausap na rin nila ang telecommunication company at nalaman nilang nagkaroon ng technical issue.
Sa ngayon pinapaayos na nila ang mensahe sa kanilanh telco partners para hindi na ito maulit.
Panawagan naman ng NDRRMC sa publiko lalo na sa mga lugar na sentro ng bagyong ursula na manatiling alerto.
Facebook Comments