Mga taga Metro Manila, pinakakalma ng PNP matapos makatanggap ng bomb threat ang DOTr -MRT

Manila, Philippines – Pinakakalma mismo ng pamunuan ng Philippine National Police ang mga taga Metro Manila matapos na makatanggap ang pamunuan ng DOTr-MRT ng banta ng pagpapasabog sa MRT noong January 3 sa pamamagitan ng Email.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac, iinimbestigahan na ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang natanggap na bomb threat.

Ito aniya ang dahilan kung bakit mahigpit at may mga ipinagbabawal na bitbitin ngayon sa loob ng MRT at LRT katulad ng pagdadala ng tubig.


Sinabi ni Banac na nanatiling naka heightened alert ang hanay ng NCRPO ibigsabihin patuloy ang intelligence gathering at iba pang effort upang matukoy ang mga nagbabanta ng gulo o karahasan sa Metro Manila.

Ito ay sa pangamba na rin ng spill over sa Metro manila nang nangyaring pagsabog Jolo Sulu cathedral na ikinasawi ng 23 indibdiwal.

Inaalam ngayon ng pulisya kung anong partikar na grupo nagmula ang bomba threat.

Nananawagan pa rin ang pamunuan ng PNP sa publiko na maging mapagmatyag at alerto at agad na ipaalam sa mga awtoridad kung may mga kahina hinalang bagay o tao.

Facebook Comments