Manila, Philippines – Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taga Mindanao na magkaisa para labanan ang terorismo sa bansa.
Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kayang talumpati sa kanyang pagdalo sa Peace Assembly na ginanap sa Cotabato City kagabi.
Ayon kay Pangulong Duterte, alam niya na mayroon mga pagkakaiba sa mga taga Mindanao pero dapat ito ay isantabi at magkaisa para labanan ang ISIS na banta sa seguridad at kaligtasan ng lahat.
Sinabi ng Pangulo na walang alam ang ISIS kundi kaguluhan at karahasan kaya dapat lang na labanan ang mga ito.
Paliwang pa ng Pangulo, paanong magiging maayos ang bansa kung namamayani ang terorismo.
Sa pagdalo ng Pangulo sa nasabing aktibidad ay ikinampanya narin nito ang pagratipika sa Bangsamoro Organic Law o BOL kung saan ay sisimulan ang plebesito darating na Lunes.