Mga taga-Mindanao, nakikita ang pag-asa kay presidential candidate Ping Lacson

Kumpiyansa ang mga residente ng Davao de Oro na mapapaunlad ni Partido Reporma Presidential Candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson ang kanilang lalawigan na tinaguriang ‘food basket of the Philippines’.

Ayon kay dating Cotabato governor at Mindanao Development Authority Chairman Emmanuel ‘Manny’ Piñol, naniniwala siyang makakaya ni Lacson na matugunan ang pangangailangan ng mga taga Mindanao.

Kabilang na rito ang pangangailangan sa agrikultura, teknolohiya, isyung pangkapayapaan, kalikasan, at edukasyon.


Ayon naman kay Davao del Norte Governor Edwin Jubahib, tanging si Lacson lamang ang nangingibabaw bilang pinakamaayos mula sa lahat ng mga presidential candidate ngayon.

Kasunod nito, umaasa ang mga guro sa rehiyon na mabibigyan din sila ng sapat na computer at iba pang kagamitan ang at mapapalakas ang internet connection lalo na’t isa ito sa plataporma ni Lacson sa ilalim ng ‘Edukasyon Plus’.

Layunin nitong magkaroon ng ng libreng tuition fee, p5,000 monthly allowance at government internship program simula sa mga senior high school student at paglaanan ng malaking pondo ang national broadband program upang mapalakas pa ang internet sa buong bansa.

Facebook Comments