Mga taga-Navotas, hinihimok magnegosyo sa online

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang mga residente na matutong magnegosyo kahit nasa bahay lang.

Inilunsad ng Navotas City Government ang online NegoSeminar para sa mga Navoteño na gustong dumalo sa negosyo seminar sa mga barangay o sa city hall pero hindi naman makaalis sa kanilang mga tahanan dahil sa takot na mahawa ng COVID-19.

Sa pamamagitan ng Google meet, nais magnegosyo seminar pero hindi naman makaalis ng kanilang bahay.


Gamit ang Google meet, tatalakayin ng mga speakers ng Tulong Negosyo at Puhunan Units ang mga pre-requirement para mag-qualify sa loan assistance program.

Dito ay tuturuan ang mga residente kung paano magsimula ng negosyo, paano makaka-avail ng loan assistance program para sa mga bagong negosyo at paano naman mapapanatili ang negosyo para sa mga nais namang magrenew ng kanilang loan.

Tuwing Martes at Huwebes sa ganap na alas-2:00 ng hapon ginaganap ang kanilang online NegoSeminar.

Para makapag-register ay buksan lamang ang Facebook ng Navotas Hanapbuhay Center at punan ang google form mula sa link na makikita sa FB page.

Facebook Comments