Umapela si Navotas City Mayor Toby Tiangco sa publiko na huwag mag-ingay o magpatugtog ng malakas para matulungan ang mga estudyante na makapag-aral na mabuti.
Ang pakiusap ni Tiangco sa mga taga-Navotas ay kasabay ng pagsisimula ng online classes nitong Lunes.
Bukod dito ay sumulat na rin si Tiangco sa Sangguniang Panglungsod na magpasa ng ordinansa na magbabawal sa paggamit ng videoke o karaoke at pagpapatugtog ng malakas mula Lunes hanggang Sabado.
Habang wala pang naipapasang ordinansa ay humihiling si Tiangco sa mga taga-Navotas ng pang-unawa, kooperasyon at pagmamalasakit.
Ipinaliwanag ni Tiangco na malaking hamon ang pag-aaral at pagtuturo sa bahay kaya dapat iwasan ang anumang makakagambala sa mga guro at mag-aaral.
Facebook Comments