Mga taga-NCR, pinagtitipid sa tubig

Pinagtitipid sa paggamit ng tubig ang mga residente ng Metro Manila matapos na hindi umabot sa year-end target na 212 meters ang tubig sa Angat Dam.

Ayon kay Deputy Speaker Eric Martinez, batay sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa 202.80 meters lang ang antas ng tubig sa dam hanggang nitong Enero a uno.

Bunsod nito ay pinagtitipid ng kongresista ang mga residente sa Metro Manila sa paggamit ng tubig lalo’t papasok na rin ang panahon ng tag-init.


Pinaglalatag din ng mambabatas ang gobyerno ng epektibong mga plano sa posibleng kakapusan ng suplay ng tubig sa National Capital Region (NCR) gayundin sa mga karatig-probinsya.

Kinalampag ng kongresista ang National Water Resources Board para maghanda ng contingency measures lalo’t napakahalaga ng tubig ngayong nakikipaglaban pa rin ang bansa sa Coronavirus.

Facebook Comments