Mga taga oposisyon, hindi kuntento sa katatapos na ASEAN Summit

Manila, Philippines – Kung ang mga taga Magnificent 7 ang tatanungin, nagmistula lamang isang photo ops at magarbong social gathering ang katatapos lamang na 31st ASEAN Summit.

Ayon kina Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Akbayan Rep. Tom Villarin, dismayado sila dahil hindi naman natalakay ng husto ang mga malalaking isyu na kinakaharap ng bansa at ng mga bansa sa ASEAN.

Naging event umano ito na puro handshakes at safe rhetoric at hindi man lamang nanguna ang mga bansa sa ASEAN na talakayin ang mga isyu ng human rights at EJKs sa bansa.


Ilan pa sa mga naisantabi sa ASEAN Summit ay ang Rohingya crisis, human rights issues sa mga ASEAN countries, illegal drugs issues, at West Philippine Sea.

Tanging ang paglagda sa ASEAN Consensus on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers ang masasabing tagumpay pero ito ay limitado lamang.

Nanghihinayang ang mga kongresista dahil nasayang ang 15Billion pesos na pondo para sa ASEAN.

Facebook Comments