Sinimulan na ng Pasay City Government ang pamamahagi ng Christmas gift packs sa mga residente ng lungsod.
Bawa’t benepisyaryo ay tatanggap ng tig-5 kilo ng bigas, at mga produktong pang-spaghetti, may mga delata rin at ham.
Kasama rin sa pamaskong handog ang ilang kagamitan sa pagpapanatili ng kalinisian tulad ng tuwalya, tabo, timba, sabon at alcohol.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, layunin ng pamaskong handog na maiparamdam sa mamamayan ang diwa ng pagmamahalan, pagtutulungan at paghahatid ng kasiyahan sa kabila ng pandemya.
Facebook Comments