Mga taga PCOO, wala nang pasok

29

Nagpalabas ng kautusan si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na nagpapahintulot sa ilang mga empleyado ng PCOO na maka-uwi na.

Ito’y upang makaiwas na rin sa posibleng peligro na idulot ng bagyong Tisoy na inaasahang mananalasa sa ilang mga lugar ng bansa kabilang na ang Metro Manila.


Ibinatay ni Andanar ang pag-iisyu ng Office Order alinsunod sa itinatakda ng Memorandum Order 004 series of 2018.

Alas 10:00 kaninang umaga nang maging epektibo ang nasabing kautusan na nilagdaan ni Sec. Andanar.

Hindi naman saklaw ng nasabing order ang mga tanggapan ng PCOO na may kinalaman sa Public Service Continuity Plan.

Facebook Comments

From Advertisers