Mga taga-PCSO, naginisa ng Sangguniang Panlalawigan Aklan sa committee hearing; planong operasyon, pinahihinto

Aklan, Philippines – Nagisa ng miyembro ng Sangguniang Panlalawigan Aklan ang mga representante ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos itong dumalo sa ipinatawag na committee hearing kahapon.

 

Ayon sa Sangguniang Panlalawigan Aklan, hindi sila kumbensido at nairita sa mga pahayag ng mga taga-PCSO dahilan na ipapahinto nila ang planong operasyon sa probinsya ng Aklan.

 

Dagdag pa ng mga taga SP-Aklan na hindi ito sagot para makatulong sa mga mahihirap na mamamayan para mapaangat ang kanilang pamumuhay.

 

Sa ngayon, may tatlo ng grupo ang nagpahayag ng kanilang oposisyon sa SP-Aklan kagaya ng Couples for Christ, Diocese of Kalibo, Philippine Chamber of Commerce-Aklan at plano rin ng SP-Aklan na magpasa ng resolusyon para hadlangan ito.



Facebook Comments