Nagkilos protesta sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang mga taga-suporta ng nakakulong na aktibistang si Amanda Echanis.
Pinapanawagan ng mga ito sa DOJ ang agad na pagpapalaya kay Echanis na naaresto noong Disyembre 2020 dahil sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.
Ayon sa convener ng Free Amanda Echanis Movement (FAEM) na si Tao Aves, walang batayan ang kaso laban kay Echanis.
Nagpaabot din ng mahigit isang daan at apatnapung liham ang mga taga-suporta ni Echanis kay Justice Secretary Crispin Remulla, kabilang ang mga mula sa Revolutionaire Eenheid ng Netherlands, Women for Filipino Women and Children – Europe, at Asia-Pacific Forum on Women, Law, and Development.
Si Echanis ay anak ng napaslang na opisyal ng Anakpawis na si Randall Echanis.
Nakatakdang muling dinggin ang kaso ni Echanis sa darating na Oktubre.