MGA TAGA SUPORTA NI FPRRD SA PANGASINAN, NAKIISA SA PEACEFUL MOTORCADE RALLY

Nilahukan ng daan-daang mga taga suporta ni FPRRD ang ikinasang motorcade rally sa Lingayen, Pangasinan bilang pagpapahayag ng kanilang sentimyento matapos itong maaresto.

Ayon sa organizers ng motorcade, ito raw ay kanilang pamamaraan ng pakikiisa sa mga sumusuporta kay dating Pangulong Duterte.

Sigaw din ng mga ito, ang pagpapauwi sa dating pangulo mula sa pagkakaaresto nito na ngayo’y nananatili sa The Hague, Netherlands.

Dagdag pa nila, magkakaroon pa umano ng mga susunod na aktibidad upang patuloy na iparating ang kanilang suporta.

Samantala, bago pa ang motorcade rally, nauna nang nagsagawa ang iba pang mga sumusuporta kay Duterte ng Prayer Rally sa Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments