Nakaabang para sa mga bumibisita sa Roman Catholic Cemetery sa Dagupan City ang ilang dumidiskarte sa paglilinis ng puntod upang ialok ang kanilang serbisyo isang linggo bago ang Undas.
Ayon sa ilang kontraktor, mahigit P500 hanggang P1,000 ang presyo ng pagpapalinis kada puntod.
Iba pa raw ang presyo pagdating sa karagdagang serbisyo tulad ng lettering sa lapida.
Dagdag pa rito, kanya-kanyang diskarte ang mga tagalinis sa pagkuha ng kostumer at wala umano silang nakapirming organisasyon.
Samantala, ang ibang bumisita naman ay mas piniling linisin ang puntod ng sarili nilang kamag-anak kaysa magbayad ng iba para para gawin ito.
Kaugnay nito, nakahilera na rin sa bukana ng sementeryo ang ilang tindera para sa nalalapit na Undas.
Ayon sa mga tindera, simula Oktubre 23 ay inihanda na nila ang kanilang mga paninda matapos makakuha ng permit.
Nagbigay naman ng paalala ang mga opisyal ng Barangay Poblacion Oeste hinggil sa paghahanda para sa Undas.










