MANILA – Kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na idinaan ni Vice President Binay sa kaniyang mga dummy ang bilyong piso nakuha nito noong siya ay Alkalde pa ng Lungsod ng Makati.Ang 62-pahinang report ng AMLC ay resulta ng imbestigasyong inutos ng Office of the Ombudsman, sa gitna ng mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee sa mga alegasyong nagpayaman ang pamilya binay sa loob ng dalawang dekadang nakapuwesto sila sa Makati.Nakasaad sa AMLC report na upang itago ang pera ay itinago ito sa pamamagitan ng pasikot-sikot at paggamit ng mga bangko para mahugasan ang maruming pinagmulan nito.Nasa report din ang pag-atas sa AMLC na isampa sa hukuman ang kaso upang mabawi ang mga tagong yaman ni binay at ng kanyang mga dummy, katulad ng 139 na bank account, insurance, mga investment at ari-arian, kasama na rin 19 properties ng bise presidente.Kinilala ang umano’y mga dummy ni VP Binay na sina Gerardo Limlingan Jr., Eduviges ‘Ebeng’ Baloloy, Mitzi Asedillo, Antonio Lee Tiu at mga pribadong kumpanya tulad ng Agrifortuna inc. at Sunchamp.Ibinunyag din ng amlc na nu’ng tumakbo noong 2010 si binay para maging Bise Presidente, ang personal niyang bank account ay umabot sa 223 milyong piso, na sinabi niyang donasyon para sa kampanya. ngunit hindi umano nagalaw ang nasabing pondo.
Mga Tagong Yaman Ni Vice President Jejomar Binay – Kukumpiskahin Ng Amlc
Facebook Comments