Bukod sa isda, namamatay na rin ang mga tahong sa karagatan na sakop ng Parañaque.
Nitong mga nakaraang araw, napansin ng mga nag-aalaga na walang laman ang mga tahong.
Ayon kay Nilo Germendia, OIC ng Parañaque City Agriculture Office, nakitaan ng kemikal na ammonia at phospate ang tubig doon base sa inisyal na kanilang pagsusuri.
Aminado ang opisyal na matinding kemikal ang humalo sa tubig.
Base kasi sa characteristic ng tahong, matibay ito sa karagatan kung saan patay na ang ibang marine life pero ang tahong ay nananatiling buhay.
Kahapon, nagpadala na sila ng sample sa BFAR para isailim sa pagsusuri.
Sa ngayon, malaki na ang lugi ng mga negosyonte kung saan halos malusaw ang puhunan na ₱200,000 hanggang ₱300,000 na maaari sanang kumita ng ₱1 milyon hanggang ₱2 milyon sa kada ektarya pa lamang tuwing anihan.