Mga tahungan sa Manila Bay, hindi kasama sa mga ididismantle ayon sa DENR

Tanging ang mga illegal fish cages at fishpen lamang ang sisirain sa Manila Bay.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Usec. Benny Antiporda na mananatili ang mga fish cages at tahungan na may permit mula sa ahensya.

Layon aniya nitong tanggalin ang mga illegal structures na nagdudulot lamang ng basura sa Manila Bay.


Ani Antiporda, tuwing may bagyo ang mga kawayan mula sa ilegal na mga baklad na ito ang inaanod at napupunta sa pampang.

Kasunod nito, tiniyak ng opisyal na hindi maaapektuhan ang mga mangingisda at sa katunayan ay makabubuti pa ito sa kanila dahil mawawala na ang mga illegal structures.

Ang pagdidismantle ng mga illegal structures ay bahagi parin ng rehabilitasyon ng Manila Bay.

Facebook Comments