Mga takot mawala ang AKAP, pinaghihinalaan ni Sen. Marcos na nasa likod ng mga banat na ‘paid ad’ laban sa kanya

Hinihinala ni Senator Imee Marcos na mga indibidwal na takot mawala ang P60 billion na AKAP o Ayuda sa Kapos ang Kita Program ang nasa likod ng “paid advertisement” na tumutuligsa sa kanya.

Ang paid ad ay mapapanood sa YouTube, Facebook at iba pang social media platform kung saan binabanatan si Sen. Marcos na nagka-amnesia ito na hindi na alam ang AKAP.

Sa tanong kung sino ang hinihinala nitong nasa likod ng paid ad, sagot ni Sen. Marcos ay iyong may pera at mawawalan.


Halata naman aniyang bayad ang patalastas at hindi iyon nakakatuwa kaya dedma na lamang ang senadora.

Posible aniyang maapektuhan ang kanyang pangangampanya sa 2025 pero matalino naman na ang mga Pilipino at alam naman na binayaran lang ang ad para siraan siya.

Facebook Comments