Mga tanggapan ng DSWD, dinagsa sa unang araw ng pamamahagi ng cash assistance sa mga estudyante

Dinagsa ng mga estudyante at mga magulang o guardian ang tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang bahagi ng bansa kasabay ng unang araw ng pagbibigay ng educational assistance.

Sa central office sa Batasan Complex sa Quezon City, alas-5 pa lamang daw kahapon ng hapon nakapila ang mga estudyante na umaasang makakatanggap ng tulong pinansiyal bago ang pagbubukas ng klase sa Lunes.

Nag-implementa na rin dito ng cut off alas-7 pa lamang ng umaga kanina upang ma-accommodate ang 2,000 benepisyaryo habang nagkaroon pa ng tensyon at sapilitan nang pumasok ang iba sa loob ng gate ng tanggapan.


Kasunod nito, pinayuhan ni DSWD Secretary Erwin Tulfo ang mga gustong pumunta na huwag nang ituloy at pumunta na lamang sa susunod na Sabado dahil sa dami ng tao.

Tiniyak din ni Tulfo na mabibigyan ang mga estudyante dahil mayroon nang nakalaan na kalahating bilyong pisong pondo para sa kanila.

Facebook Comments