Direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kilalanin ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH), bilang flagship program ng gobyerno.
Batay sa bisa ng Executive Order No. 34, pinagsusumite ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan, Local Government Units (LGUs), at Government-Owned or -Controlled Corporations o GOCCs ng detalyadong investor ng lahat ng available at suitable lands, para sa pagpapatupad ng programa.
Ang Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) ang mangunguna sa pagtitiyak na maisasakatuparan ang programa.
Ito rin ang mangunguna sa pagtukoy ng mga lupaing maaaring gamitin para sa housing at human settlements, township at estate development.
Ang DHSUD rin ang dapat na magrekomenda sa pangulo, ng mga kakailanganing proklamasyon para maideklara ang public lands na angkop sa programa.
Pirmado ng pangulo ang kautusan, ika-17 ng Hulyo ng kasalukuyang taon.