Isang Executive Order ang inilabas Ng Malacañang na nag-aatas sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na i- adopt ang National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing at Counter Proliferation Financing Strategy 2023 – 2027.
Pinirmahan ang Executive Order No. 33 ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong nakaraang Martes, July 4 na layuning mapalakas pa ang anti-money laundering.
Sakop din ng inilabas na EO ang masugpo ang counter terrorism financing at magsilbing pangontra ang nais na pangulo na adoption sa National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing sa Proliferation Financing Strategy.
Batay pa sa EO, binibigyan ng dagdag na kapangyarihan ang National AML/CFT Coordinating Committee na mag-reorganize ng kanilang sub-committees.
Kasama na rin ang National Intelligence Coordinating Agency sa NACC na may malaking gagampanan papel sa intelligence gathering.