Mga tanggapan ng gobyerno sa NCR, bukas kahit naka-ECQ

60

Tiniyak ng Malakanyang na bukas ang mga tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) kahit pa iiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20.

Batay sa Memorandum Circular No. 87 na inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang lahat ng government agencies at mga tanggapan na nasa ilalim ng Executive Branch sa NCR ay fully operational pa rin na may 20 percent na workforce mula August 6 hanggang 20.


Tanging ang mga government agency lamang na may kaugnayan sa health, emergency frontline services laboratory and testing services, border control, at critical services ang pinapayagang magkaroon ng buong workforce.

Hinihikayat din sa memorandum ang lehislatura, hudikatura, independent constitutional commissions and bodies, at Local Government Units na sundin ang nasabing kautusan.

Facebook Comments