Mga tanggapan ng LTO na nasa GCQ areas, magbabalik operasyon na simula ngayong araw

Balik operasyon na simula ngayong araw ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Sa inilabas na abiso ng LTO, mahigpit pa rin nilang ipatutupad ang health and safety protocols sa mga sangay nito para mapanatiling maayos at ligtas ang kalusugan ng bawat isa.

Obligado ang lahat na makipag transaksyon na magsuot ng face masks at pagsunod sa physical o social distancing.


Pero paglilinaw ng LTO, na hindi   muna papayagan na makipag transaksyon sa kanilang tanggapan  ang mga taong may edad 21-anyos pababa at  60 pataas pati na mga babaeng nagdadalang tao na itinuturing na vulnerable sector hanggat hindi naalis ang community quarantine.

Facebook Comments