Mga tanggapan ng pamahalaan at paaralan sa buong bansa, walang pasok sa September 21

Manila, Philippines – Isinapormal na ng Palasyo ng Malacañang ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kanselasyon ng pasok sa mga tanggapan ng Pamahalaan sa darating na Setyembre a-21.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, inaabangan pa nila ang pormal na papel na lumabas mula sa Office of the Executive Secretary.
Pero sinabi ni Abella na hindi holiday ang September 21, pero ito ay national day of protest. Wala aniyang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan national man o local sa buong bansa.
Wala din aniyang klase sa mga pampublikong paaralan all levels pati na ang mga State Collages and Universities o SUCs sa buong bansa.
Nilinaw din naman ni Abella na sa mga pribadong kumpanya ay bahala na ang management nito kung mageddeklara ba ng kanselasyon ng pasok.
Matatandaan na ang dahilan ni Pangulong Duterte sa ganitong kautusan ay para makaiwas sa matinding trapik ang mga mag-aaral at mga empleyado ng pamahalaan dahil narin sa mga kilos protesta na isasagawa ng ibat-ibang grupo.

Facebook Comments