CAUAYAN CITY- Bagama’t nakaranas ng El Niño ang lungsod ng Cauayan ay hindi naman ito nakaapekto sa mga magsasaka ng Brgy. Dissimuray.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Orlando Sarmiento, hindi apektado ng El Niño ang mga magsasakang nagtanim ng kahoy sa kanilang lugar.
Watch more balita here: 𝗧𝗥𝗘𝗘 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗣𝗪𝗛-𝗥𝗢𝟮
Aniya, mainam na itanim ang kahoy dahil hindi ito madaling maapektuhan ng tagtuyot kung saan karamihan sa mga residente ay ito ang kanilang itinatanim.
Dagdag pa nito, puspusan pa rin ngayon ang pagbibilad sa mga naaning kahoy kung saan nasa 15 pesos kada kilo ang benta dito.
Facebook Comments