Mga taniman ng tubo na apektado ng RSSI, mas lumawak pa; mga LGU, hinikayat ng SRA na magdeklara na ng State of Emergency

Hiniling ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa mga lokal na pamahalaan sa mga infested area ng red-striped soft scale insect na magdeklara na ng State of Emergency.

Kasunod ito ng paglawak pa ang mga taniman ng tubo na apektado ng red-striped soft scale insect (RSSI) infestation sa Negros Island.

Una nang inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang alokasyon ng P10M para sa pagbili ng pesticide.

Ayon kay SRA Pablo Luis Azcona, mula sa 87 hectares, umakyat na sa 1,490 hectares na sugarcane farms ang apektado ng RSSI sa Negross Occidental.

Habang apektado na rinang mga taniman ng tubo sa Iloilo, Capiz at Negros Oriental.

Pero ayon kay Azcona, may 97 hectares na taniman ng tubo ang nagpapakita na nang pagrekober.

Facebook Comments