Mga tao, posible pa ring maging carrier ng African swine virus

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na posible pa ring maging carrier ng African swine virus ang mga tao.

Ang African swine fever o ASF ay isang highly contagious hemorrhagic disease sa mga baboy kung saan nasa 100% ang mortality rate.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar – kahit hindi nakakahawa o nakakaapekto sa mga tao ang ASF ay pwede sila mismo ang magdadala ng virus sa mga alagang baboy at magpakalat nito.


Aniya, mahigpit ang kanilang monitoring dahil iniiwasang kumalat ang sakit sa ibang mga nag-aalaga ng baboy o babuyan sa bansa.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na walang epekto sa kalusugan ng tao ang ASF pero hinihikayat pa rin nila ang publiko na lutuing mabuti ang karne nito.

Facebook Comments