Mga tao sa ilang pamilihan at pasyalan sa Maynila, dumoble sa unang araw ng Alert Level 2

Kasabay ng unang araw ng pagpapatupad ng Alert Level 2, dinagsa ng ilang tao ang ilang pamilihan at pasyalan sa Metro Manila.

Sa Binondo at Divisoria sa Maynila, nagkaroon ng pagbagal sa daloy ng trapiko dahil sa mga taong namimili ng murang gamit gaya ng damit, face masks, gadgets, pang dekorasyon at pagkain.

Habang dinagsa rin ng mga deboto ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church.


Maliban dito, nagsimula na rin ang night market sa kahabaan ng Recto Avenue.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Station Commander Lt. Col. Rollyfer Capoquian, talagang dumoble ang tao sa mga nabanggit na lugar at inaasahan pa nilang mas dadami ito sa mga susunod na araw.

Sakabila nito, tiniyak ng MPD na mas paiigtingin nila ang pagbabantay sa mga matataong lugar sa Maynila.

Facebook Comments