Mga taong bumbatikos sa administrasyon, posibleng may mga tama ring sinasabi ayon kay PBBM

Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (PBBM) para pakinggan ang mga bumabatikos sa kaniyang administrasyon.

Ayon sa Pangulo, posibleng may tama rin kasing sinasabi ang mga taong kritikal sa kaniyang pamumuno.

Kaya naman pinayuhan din ng Pangulo ang mga mamamahayag na pakinggan ang lahat ng panig, tulad niya na handang makinig kahit pa sa mga may ayaw sa kaniya.


Dapat aniyang magsilbing watchdog ang media na pupuna sa mga posibleng kapalpakan ng gobyerno at kahinaan sa sistema para matugunan ito.

Ito rin aniya ang papel ng media sa pagtitiyak na mananaig ang demokrasya sa bawat diskusyon.

Tiniyak din ni Pangulong Marcos na patuloy nitong itataguyod ang kaligtasan ng mga media practitioners sa bansa dahil ang karahasan umano sa media ay walang lugar sa bagong Pilipinas.

Facebook Comments