Mga taong may sintomas ng COVID-19, mas pinatututukan ng WHO

Muling iginiit ng World Health Organization o WHO na mas kailangang bigyan ng atensyon ang mga symtomatic o mga taong may sintomas ng COVID-19.

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, mas malaki ang tyansang maipasa ng mga taong may sintomas ang virus.

Aniya, napapalawig ang benipisyo ng Enhanced Community Quarantine sa pagbibigay ng mas malaking atensyon sa mga symtomatic.                                                                                                                                      Sinabi naman ni Abeyasinghe na bagama’t hindi inirerekomenda ng WHO ang paggamit ng Do It Yourself o DIY face mask at Personal Protective Equipment (PPE), mas mabuti na ito kaysa sa walang magamit.


Hindi man aniya 100 percent ang proteksyo nito,  makakatulong pa rin ito kahit na papaano.

Facebook Comments