“It is okay not to be okay.”
Ito ang paalala ng Malacañang sa publiko sa harap ng mga ulat ng pagtaas ng insidente ng pagpapakamatay o suicide cases sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may hotlines na maaari nilang tawagan kung nais nila ng may makausap.
Importante sa isang tao na may nakakausap at suporta sa panahon ng krisis.
Nabatid na nanawagan si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra sa Simbahang Katolika at iba pang religious organizations na tumulong sa pagresolba ng tumataas na suicide cases sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng counseling at guidance sa mga nakakaranas ng depression at anxiety.
Tugon ni Caloocan Bishop Pablo David, batid ng Simbahang Katolika ang pagtaas ng suicidal cases kaya sila nag-oorganisa ng “health care volunteers” katuwang ang Local Government Units (LGUs) at mga barangay sa pagsasagawa ng online monitoring sa mga taong naaapektuhan ng pandemya.