Mga taong positibo sa monkeypox, pinag-iingat ng WHO kasunod ng unang naitalang kaso ng human-to-dog transmission ng virus

Pinag-iingat ng World Health Organization (WHO) ang mga positobo sa monkeypox na iwasang makipaghalubilo sa mga hayop.

Pahayag ito ng WHO kasunod ng naitalang unang kaso ng human-to-dog transmission ng monkeypox virus matapos ma-expose ng dalawang lalaki ang kanilang Italian greyhound dog na kasama nila sa bahay sa Paris.

Ayon kay WHO technical lead for monkeypox Rosamund Lewis, ito ang kauna-unahang kaso ng human-to-animal transmission ng virus at ang unang pagkakataong mahawahan ang isang aso.


Kaugnay nito ay inabisuhan na ng mga public health agencies ang mga monkeypox patients na ihiwalay ang kanilang sarili sa mga alagang hayop.

Dahil dito, pinanganambahang magkaroon ng mutation ang virus ngayong tumalon na ang virus sa ibang uri ng hayop.

Facebook Comments