Mga tatalakaying isyu sa 31st ASEAN Summit, plantsado na

Manila, Philippines – Isinapinal na kahapon ng mga senior officials ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) ang mga kinakailangang dokumento at ang mga tatalakaying issue ng mga state leaders na dadalo sa 31st ASEAN Summit na sisimulan sa darating na Lunes.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Enruique Manalo, kahapon ay naisapinal na niya at ng kanyang mga counterparts mula sa iba pang ASEAN Country ang mga papeles para sa mga ilalabas na dokumento kaugnay sa ASEAN leaders Summit.

Ilan lang aniya sa mga tatalakaying issue ng mga leaders ay ang paglaban sa radicalization at violent extremism, cybercrime, malnutrition, pati na rin ang innovation, protection of the rights of ASEAN migrant Workers, pati na ang pagpapaganda ng ASEAN external relations.


Sinabi din ni Manalo na kasama din sa kanilang pinag-usapan ay ang paghahanda para sa accession ng Islamic Republic of Iran sa Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia.

Samantala, ngayong araw hanggang bukas naman ay inaasahan ang pagdating ng mga State Leaders na dadalo sa ASEAN Summit dahil bukas ng gabi na gaganapin ang ASEAN Gala Dinner.

Facebook Comments