Mga tatamaan ng COVID-19, walang pinipili mayaman man o mahirap, ayon sa DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) na walang sini-sino ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19), mahirap man o mayaman.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang ebidensya na mayroong immunity sa covid-19 ang isang sektor ng lipunan tulad ng mahihirap.

Aniya, kaya ang mga nasa middle at upper class ng lipunan ang unang tinamaan ng COVID-19 ay dahil sila ang bumibiyahe sa abroad kung saan nagmula ang COVID-19 at sila rin ang madalas magsagawa ng mass gatherings gaya ng conferences, convention at iba pa.


Matatandaang una nang sinabi ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion na batay sa kanilang pakikipag-usap sa iba’t-ibang grupo napuna nila na tila immune sa COVID-19 ang mga mahihirap.

Facebook Comments