Mga tatanggap ng award sa National Search for Hometown Heroes ng BCYF, iaanunsiyo mamaya

29

Iaanunsiyo na ng Benita & Catalino Yap Foundation (BCYF) mamaya ang mga tatanggap ng pagkilala sa pagtatapos ng National Search for Hometown Heroes.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Jojo Armenta, Executive Director ng BCYF na layunin ng award na kilalanin ang mga indibidwal na tumutulong sa komunidad sa pamamagitan ng volunteerism.

Aniya, dahil sa ibibigay na parangal ay mabibigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng mas malawak na audience at makakuha ng mga potensiyal na benefactors.


Makakatanggap ng certificate at trophy ang grand winner at mabibigyan din ng pagkakataon na maitampok sa iba’t ibang media partners ng BCYF kabilang na ang RMN Networks.

Facebook Comments