Mga tatay na kasamang tumambay ang mga anak, kinagiliwan online

2613
Courtesy Jellyanne Roque

Tumambay, makipagchikkahan sa labas ng bahay habang nag-aalaga ng anak? Posibleng mangyari!

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang retrato ng magbabarkadang lalaking nagkukwentuhan sa labas ng bahay na bitbit ang kani-kanilang mga chikting.


Sa kuhang larawan ni Jellynne Roque, makikitang nagpapadede pa ang isang tatay na nakaupo sa gilid.

Agaw-pansin rin ang isang sanggol na nakasakay sa stroller at may nakatutok pang improvised electric fan.

“Mga iniwan ng asawa haha charoooot! Ganyan dpat kapag tatambay isasama anak,” biro ng uploader.

Kaya naman hirit ng ilang netizens, mas tsismoso ang mga lalaki at baligtad na talaga ang panahon ngayon.

Umani ng 42,000 shares at 2,500 likes ang naturang viral post.

Facebook Comments

From Advertisers