Mga tauhan ng BI, sasampahan ng kaso ni “taho girl”

Plano ng kampo ng Chinese student na nagsaboy ng taho sa isang police sa MRT na magsampa ng kaso laban sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nagdala rito sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Ayon kay Atty. Sandra Respall, abogado ni Jiale Zhang, iligal at sapilitang kinuha ng mga tauhan ng BI ng kaniyang kliyente.

Giit naman ni BI Spokesperson Dana Sandoval, walang basehan ang reklamo ng kampo ni Zhang dahil may valid mission order ang mga BI agent kaugnay sa deportation case na kinakaharap ng dayuhan.


Sabi pa ni Sandoval na inaasahang matatapos ang pagdinig nila sa kaso ni Zhang sa mga susunod na linggo.

Matatandaang Martes ng gabi ng dalhin si Zhang sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig matapos pansamantalang makalaya dahil sa kasong direct assault, disobedience to an agent of a person in authority and unjust vexation.

Facebook Comments